Sug0 ni b0b 0ng

Pipol Of the Phileeepens vs. Z : caze numbuh 1414141414141414

GuiltEE bey0ynd unreasonable doubt sa salang pag papacute sa lo0b ng simbahan at sinisentensyahang hindi na makakaharap pa sa salamin na katumbas ng dalawang pang habam-buhay na pagiging diyos.

7/18/09

bebe silent

mga bagay na ngyari sakin last thursday.

mga bagay na inenjoy ko, at mga bagay na muntik ng maging dahilan ng pag talon ko mula sa taas ng espania tower..

UMAGA...

medyo maganda pa ang mood ko, 2:00am ako nagising, mga 4 ako umalis ng bahay.. medyo malamig..

5:30, may konting liwanag na mula sa kalangitan, pero hindi mo mapapansin ang araw. or, pwede ring sabihin na walang araw.. pero hindi mo aasahang uulan... ng malakas.

mag aalsa-sais na, naka sakay ako sa FX, ng nag papansin ang malakas na ulan. syempre, wala akong care dahil tantya kong 7:30 na ako makakarating sa morayta, at sa mga oras na yon, tahimik na ulit ang panahon... at alam kong pinilit ko lang ang sarili ko na papaniwalain ang utak ko na wala na ngang ulan sa oras na yon, sa kadahilanang wala sa fashion statement ko ang pagdadala ng payong.

syempre, naghihingalo parin ang langit ng dumating ako sa school.. buti nalang hindi ako sinita ng guard ng derederetsyo akong pumasok sa lobby ng tech bldng, dahil hindi nanaman ako naka uniform.

nakapila na ako sa elevator ng ikagulat ko ang pag palo sa akin ni mara sa balikat.
(si mara ay isang special hybrid na kalahating babae, kalahating bakla)

sabay na sana kami sa leveator, kaso ng papasok na ako, biglang tyempo ng mabilis na pag sara ang elevator, syempre ipit ako. walang halong biro.

buti nalang na pindot nung studyante sa loob yung "open".. na pa atras ako konti, sabay tapak sa hinlalaki ni mara....

mga 11, vacant time ng halos kalahati sa mga ka blockmates ko.. malungkot parin ang langit.. emo na yata.. sa second floor kami ng tech bldng nag tanghalian..mahigit 30 mins. na kaming nakatayo, wala paring umaalis sa mga nag extend ng pagtambay sa canteen.. habang kumakain kami, humirit na si mara ng mga kalokohan nya tungkol sa mga kinakain namin, at tungkol din sa mga bagay na hindi dapat sinasabi kung gusto mong enjoyin ang iyong pagkain.

laugh trip.

nag tuloy tuloy na ang enjoyment ko nung araw na yun.. kaso, bago paman matapos anga raw, bumnagsak ng 10 floor ang mood ko.

nahuli akong tumatakbo sa lobby ng isang teacher, kaya kinumpiska ang ID ko..


pano ngayon ako papasok sa monday T_T

wala na nga akong uniform, wala pang ID... huhuhuhu

hindi na ba tlga magbabago ang pagiging pasaway ko? ni hindi pa ako nakaka isang buwan this sem, may record na kagad ako? pisting yawa!!

No comments: