Sug0 ni b0b 0ng

Pipol Of the Phileeepens vs. Z : caze numbuh 1414141414141414

GuiltEE bey0ynd unreasonable doubt sa salang pag papacute sa lo0b ng simbahan at sinisentensyahang hindi na makakaharap pa sa salamin na katumbas ng dalawang pang habam-buhay na pagiging diyos.

7/4/09

bil0g

:) Kolehiyo

etong fine arts ang second course ko, pero first choice ko talaga. pero pwede ring second. pero first talaga, pero kung second, hindi na first kaya pukpukin mo nalang ako ng bato sa ulo kapag nahilo ka na.

masaya ang buhay kolehiyo. may freedom. dahil sa stage na ito kadalasang magiging 18 ang isang tao, nagiging legal na sya sa lahat ng bagay. mga bagay na hindi mo magagawa sa high school. legal ka nang uminom ng parang walang katapusan, manigarilyo ng parang walang katapusan, at sumayaw ng "careless whisper" ng parang walang katapusan.

masaya. yan lang ang "magandang" word na kaya kong idescribe pag sinabi mong "college"
isang word lang. pero kung hindi gaanong magandang word, baka dekada ang gugulin mo sa pag basa ng post na ito.

sa akin, masaya kasi, may kalayuan sa tinitirahan ko ang university na pinapasukan ko(FEU). hindi ako nag do-dorm. uwian. mula bagong silang (caloocan) hanggang sampaloc. dati nung sa UE pa ako, nakiki hit ako sa bahay ng pinsan ko, na sa UE rin nag aaral. pero hindi nag tagal, kasi baka makulong ako habang binuburol sya pag nag tagal pa ako dun. hindi kami mag kasundo.

"masaya" kung ituring ko ang araw-araw kong uwian. haha, alas-tres palang ng umaga kailangan gising kana, para makaalis ka ng 5:30. dalawang oras kasi ang biyahe ko, dahil 7:30 ang unang subject. 4 times a week. dalawang oras na "masayang" jamming sa traffic at depende naman kung ilang oras ang biyahe ko pauwi sa hapon.

ayaw ko na kasing maki tira sa bahay ng mga kamag anak ko, na malapit sa school. parang sinasadya talaga ng panahon dahil nag kalat ang mga kamag anak ko malapit sa school. haha. lalong ayaw kong mag dorm, isa sa mga few things na kinatatakutan ko eh yung matulog sa lugar na wala akong kakilala. bukod sa bus :)

feeling ko, mas mahihirapan pa ako pag nag dorm ako, kasi araw-araw akong papasok sa school. sino ang mag babantay sa mga gamit ko? hindi kasi ako ganun kadali mag bigay ng tiwala.

kaya naman gusto kong mag uwian, dahil marami akong gustong ma experience habang nasa biyahe. gaya ng.. yung tipong habang naka sakay ako sa bus, eh biglang may papasok at mag aamok, mamamaril at hahagisan kami ng bomba.. hindi ako nag bibiro. gusto ko talaga maka ranas nun, or kahit yung holdap lang. lagi kong iniisip kung anu ang pakiramdam ng ganun. hehe.

bukod sa mahabang biyahe, isa sa mga naeenjoy ko sa college eh yung non-stop smoking. joke ng isa sa mga classmate ko, baka daw may tatoo kami na "sarao" sa likod.

dahil malamig sa classrooms namin, kailangan ko pang hilahin ang isa sa mga classmates kong "healthy living" para samahan ako sa labas para manigarilyo.. pam-painit ng katawan.

hindi naman ako lasinggero, pero umiinom ako pag may okasyon. yan lang. hindi ako umiinom ng alkohol pag may problema. gaya ng sinasabi at ginagawa ng iba. enjoyable din ang pag ba-bar minsan. pero hindi mo na ma eenjoy kapag isa sa mga kasama mo eh tulad ng isa sa mga classmate ko. laging negative. kaya kapag may session kami gaya ng ganito, uunahin namin syang malasing, para antukin at makatulog kagad bago kami bumanat.

college. marami kang matututunan bukod sa mga bagay na dapat mong matutunan sa mga subjects mo.

pwedeng matuto kang mag bisyo, pwede ring may matutunan kang maipag mamalaki mo dahil binuo nito ang buhay mo. pero mabuti man o masama ang bagay na yon, ayaw mo man o gusto, minsan kailangan mo paring subukan.

dahil para sakin, kailangan magawa ko ang lahat ng bagay na pwede kong gawin.(bukod sa mag drugs) dahil sabi nga ng pinsan ko dati (na pinilit akong subukan yung pamatay na slide sa isang pool resort), hindi makukumpleto ang buhay at pag katao mo, kung hindi mo gagawin ang bagay na kaharap mo na ang mga paraan.

No comments: