Sug0 ni b0b 0ng

Pipol Of the Phileeepens vs. Z : caze numbuh 1414141414141414

GuiltEE bey0ynd unreasonable doubt sa salang pag papacute sa lo0b ng simbahan at sinisentensyahang hindi na makakaharap pa sa salamin na katumbas ng dalawang pang habam-buhay na pagiging diyos.

8/23/09

San Mateo

bout a week din pinlano ang galaang ito. kina Mako. Inuman.

Friday, Aug. 21 12:30PM

nag kita kami ni ena sa SM terminal. sabay kami pupunta sa ever, para i meet si Mara.
siguro, 3 PM na kami nakarating kina Mako. kami yung huling dumating.

nandon almost lahat ng nasa list ko sa baba. wala lang si Aldrin, at yung dalawa nyang alepores.

si daddy rox, tatay na tatay ang dating. nag iihaw. baraha-slash-pustahan naman kami nina chris, ena, mara, judy, macjay at riz. race to 10 loses. ang matatalo ang bibinyag sa unang matador na bubuksan. 10 shots.

si riz ang nagwagi! sunod na game, unggoy-ungguyan, talo ako. utusan. dahil si ena ang nag utos, at dahil pinaniniwalaan ko ang salita ng diyos a.k.a ena, sumunod naman ako.

nasa ika-dalawang palapag ang bahay nina mako. garahe yung ibaba. sa open area kami tambay. sa may garden nila. isa lang kailangan kong gawin dahil natalo ako. tumalon pababa.

sunod naman ako. pero dahil mahal ko ang buhay ko, dun ako tumalon sa safe ang babagsakan :)
ok naman. buhay pa ako. nag ka galos lang sa braso. nung ako na ang nanalo sa sunod na game, isa-isa namang nag alisan ang mga patatalunin ko.

nga pala, may dalawang taong hindi inaasahan na dadating, pero umalis din sila dahil siguro nakahalata sa aura nung iba.

mag gagabi na. simulan na ang inuman!

matapos lutuin ng magaling mag luto at hindi gumagamit ng magic sarap na si riz ang dala kong manok para sa hapunan, sinumulan nya na ang inuman. 10 shots muna sya.

tuloy tuloy na tunggaan. isa-isa sa isang basong pang matador at isang basong pang iced tea. at dahil hiwahiwalay kami ng tambayan, kailangan mag sakripisyo ng isa para lumakad at ihatid ang baso kahit hilo na rin sya.

madilim na. habang iniintay ang susunod na shot, nag pipicturan kami. yung iba, jamming sa dalang elec. guitar. may mga halatang nahihilo na.

nagsimula ng umulan. ang paalam ni ena sa bahay nila, hanggang 7 pm lang sya. na naging 8.. 9.. pero dahil hindi pa tumitila ang ulan, umiga muna ako sa carpet nina mako sa sala. sabay pikit.

ang plano ko lang talaga, asarin si ena. pero sorry. nakatulog na nga talaga ako.

mga 12:30AM na ng umaga ako nagising, marami na akong katabi sa carpet. kabilang si ena, na ginigising na ni riz, dahil sasabay na ata sa kanya. pero hindi na gising. pinalipat na ni mako ang mga gurls sa kwarto nya, si ena, lumabas at umiga sa damuhan.. haha.

mga 1:30 or 2 am. tulog na yung iba. konti nalang ang gising. dahil kahit papano ay tumila na ang ulan, nakaramdam siguro ng gutom si ej, kaya nag pasama kay mako sa bukas pa na tindahan para bumili ng machi-chicha. nung nakaalis na sila, bigla nanamang umulan. malakas.

marami pa ring naka salampak sa sala nina mako, pero nakahanap parin ako ng sasandalan. pero di na ako nakabalik sa pag tulog, kaya nakitambay narin ako sa mga nag iinuman pa.
hindi na ako tinantanan ni judy, na gising pa. hindi pa kasi bumabalik sina ej at mako. higit 1 oras na. na stranded yata.

lalabas na sana ako, may dalang payong, kaso nung nasa gate na ako, biglang kumidlat. kaya yun, bumalik ako.

nagising na si celine. yung tatlong lalaking hindi parin tumitigil sa inuman, naligo sa ulan. naka brief lang. pero nakita si yusi ng gf nya, kaya hindi na nakasali.

dumating na sina mako at ej, mag aalas-4 na. kung hindi pa sila dumating, siguro nag tatatakbo pa sina don at vince sa kalye, parahanapin sila. na brief lang ang suot.

siguro sa ingay, lumabas na rin ang mama ni mako, huli sa akto ang dalawang sisiw na naliligo sa ulan, na brief lang ang suot, sa harap na gurls. nyahaha. tapos ang kaligayahan.

nahinto man ang inuman, hindi na kami umalis sa kina uupuan namin. kwentuhan nalang, hanggang sumikat na ang araw, at isa isa ng nagising ang mga klasmeyt namin, lumabas na rin, umupo, at nakipag kwentuhan. ewan ko lang kung nakapag mumog na sila.

eto ang una naming night out at tulog sa bahay ng classmate namin. masaya.

sana maulit :)

8/15/09

Ways to fake hang-outs with losers, without even noticed.

so there's us, and the losers. actually, hindi naman lahat eh stay sa isang fucking group lang, as in ako lang namana ng nag pasimuno ng group-pangalanan and codenames na ito. just to put a little more thrill sa nakakabagot na kolehiyo life.

I know medyo plastic ako pag dating sa socialan. pero alam kong mas plastic sila dahil sinasakyan pa nila ang pagiging plastic ko, kahit halata na. hahaha, in other words, pano nga ba maki halubilo sa mga hate mong nilalang ng hindi na bubuko?

laging lumapit sa kanila? lagi silang kausapin? makipag halakhakan sa kanila, kahit may prof na nangangain ng studyante sa harap ng klase?

first day palang ng klase, naihiwalay ko na ang mga de-color sa puti. haha, kung tutuusin kaya lang naman ako nag papatuloy pa na pumasok ngayun, dahil sa nabuong friendship between me and my classmates. parang, UE, first year, hello classmates, second year, bye classmates. yaw ko nang ganun. gusto ko magkaron ng regular friends.

tuesday and friday, minsan absent ako. mabilis ko namimiss ang mga hinayupak.

mabilis ko sila naging ka close eh. pero yung iba hindi nag tagal, yung iba gusto ko na burahin sa list-of-the-best na ginawa ko, yung list na inimbento ko lang, para mapaghiwalay de-color sa puti. well, di naman sila lahat eh naging instant close ko, pero sila yung mga taong hindi ko trip i joke-around, dahil hindi naman sila ganon.

naging close ko yung isa, tapos naging close ko pa yung isa, at yung mga close ng sumunod. tapos yung una kong naging close, merong naging ka close na naging close ko rin, tapos silang lahat, medyo naging close, hanggang naging close pa namin yung lima pa na magkakaclose na.

close door

barkada na..

gets? pero hindi yan yung topic ko eh.

pano nga ba makisama sa mga taong ayaw mo, pero hindi nila mararamdaman na hindi sila buhay sa mundo mo?

1. keep your friends close, but your enemies closer?
fucking, edi yung enemies ko na yung naging close ko, at hindi ko na pinansin yung mga friends ko? lol, batiin lang sila regularly, yun bang.. "hi, pareho tayo ngayun nandito sa lobby, at dahil classmates tayo,babatiin kita! pero classmates lang ha!!"

nyahaha. sa kanila, lahat naman binati ko kapag nakakasalubong ko. mas nababati ko pa nga sila kesa dun sa ibang nasa list ko. pero wala pa akong kinausap sa mga ito ng tumagal ng 10 mins.

2. go out with them?
nope, wala pa akong niyaya sa kanila na mag yosi. at baka lahat sila, hindi rrin nag yoyosi. pero yayain? ok yun, mas iisipin nila na close talga kayo,a t hindi ka plastic. tapos, kahit ayaw nila, pasakan mo ng yosi ang bunganga.

3. merry christmas, july?
hindi naman ako mayaman para ilibre silang kumain sa labas, wag lang nila mapansin na pinaplastic ko sila. pero yung "pahiram" mas ok pa. hindi nga naman pasko araw-araw, kaya't hindi ko kailangan maging mabait sa kanila araw araw.

4. bestfriends, meet toots, the loser?
pwede. kung may get-together ang real friends, bakit hindi yayain ang fake ones? haha, that way, baka matuto ring makipag plastican ang real friends mo.. oh edi real friends na talaga tayo. pwede rin, kaso sya yung mapipilitang sumakay sa trip ng close friends ko. at dahil pumayag syang sumama, di sya makakapag reklamo. friendly ka na na hindi halata, napahirapan mo pa sya!

yan lang.

oops, wag mo isiping ganyana ko kasama, or anything.

ganyan lang talaga ang pananaw ko. kailangan merong bida na grupo, sila man o kami, at meron ding kalaban. parang touching-robbery-block-1-2-3...

8/2/09

MUraA

Iba't-ibang klase ng mura na madalas kong gamitin, at ang madalas na dahilan kung bakit ko ginagamit :

English

Fuck! : pag nagugulat
Fuck you!/pak you! : madalas na biro sa close friends
Shit! : pag naiinis sa kung sino man
Sheeeeeet : na iinis na may halong joyful XD
Bitch : normal expression sa makulit na friend

Tagalog

Puta (putang ina/tang ina) : Pag seryosong naiinis
Amputa : pag nerbyosong naiinis
Puki ng... : natutuwa pero mas naiinis pa, madalas pag may pumipilit sa kin.
POTA : pag nag le-left 4 dead..
Putya naman oh! : pag di natuwa sa isang biro
Gago! : pag may tumatapak sa paa ko, pero hindi kami close
Gaguuuu : pag may tumatapak sa paa ko, pero close ko naman
Ulol! : pag sinusubukan akong utuin
LOL (laugh out loud) : pag nakakarinig ng joke
U-LOL (uber laugh out loud) : pag nakakarinig ng corny na joke
King ina : pag nakakakita ng jologs
Tanga : di sinasadyang nasasabi pag may tatanga-tanga sa harap ko

Eto matindi..

Puking inang paking shit (sa isip lang): pag kaharap si special someone
Tangina mo! biatch ka! : pag napikon na.. hala..
Tangina mo pala eh, gusto mo mag pasko sa ospital?? : ibig sabihin, tumahimik ka na.

8/1/09

Deja Vu

nung 1st year highschool ako, hindi ko maipaliwanag pero, parang almost lahat ng naging classmate ko ay nakita o nakilala ko na dati. nung first day of class, tinitigan ko isa-isa yung mga classmates ko na sa tingin ko ay nakilala ko na talaga, syempre bukod dun sa mga naging ka-klase ko na nung elementary. halos kalahati nung section namin, na se-sense ko yung pag mumukha, pero hindi ko lang maalala kung saan at kailan ko sila nakita at nakilala. nag tuloy-tuloy yung ganitong bagay hanggang senior year ko. taon taon meron kaming nagiging bagong classmate, pero para talagang nakilala ko na sya dati.

nung naging college ako, ganito nanaman, halos lahat ng naging blockmates ko sa UE, parang nakikilala ko yung mga pag mumukha. tapos nung lumipat na ako sa FEU, marami rin na ganito.

mahirap yung magbibigay ka kagad ng first impression sa isang taong kakikilala mo palang, pero nung unang beses ko silang nakita, alam ko na. yung mga classmates na magiging malapit ako, magiging karibal ko, magiging close ko na tatraidor sa akin, yung classmates na kukumpleto sa "jologs list" at yung mga classmates na dapat kong iwasan.

siguro dahil meron mga historical events na nangyari sa amin nung fast life namin, or siguro destiny na makilala ko yung mga taong nakakasalamuha ko mula pa nung bata ako. or talagang wierd lang ako mag-isip.....

s5

sa pananaw ko, nahahati sa dalawang grupo ang FT0915. yung kami (listed below) at yung sila.
dahil nga open ang blog ko for all, hindi ko pwedeng i post yung mga bagay na napuna ko sa kabilang group. anyways, walang Formal names ang mga group na ito. ang grupong kinabibilangan ko ay tawagin nalang nating "Sarao"

Chris (Self proclaimed Master) - first impression? anu pa nga ba!? edi ang magiging leader ng lahat ng magiging trip at get-togethers namin.

Rox (kuya Rox) - ewan.. takot ako dito eh.

EJ - eto lakas mag-trip. muslim na intsik na mahilig mag jaiho. haha

Celine (Mayor) - female version ni chris. ang mayor namin! at ako ang nag nominate sa kanya nung class election namin sa ENG. haha

Mara (Gorgeous_freak) - bukod sa pagiging liberated, wala ka nang maririnig sa kanya kundi "tang ina neto" "tangina non" "tangina mo" "tangina nya" - tangina everywhere!

Ena - may special post ako tungkol sa kanya, scroll down nalang :)

Aldrin (meow) - amputang emo na pag anime-talk na, sila lang ni ena ang nag kakaintindihan. may special something din sa kanilang dalawa ni CJ

CJ (ming) - kitams!? pati nicknames nila, similar! si cj, bata mag isip. pero mas-isp bata parin ako. eto ang akala mo walang magiging bisyo. pero nung turuan namin mag Left 4 Dead, halos isang linggo rin syang nag yaya na mag laro.

Judy - ang snack secretary ko twing maiisipan naming kumain habang may klase. cute ang mga plates, mabilis nag iiba ang mood, at ***** ko ang crush nya.

Alex - walang sikretong tinatago. halos alam na namin ang lahat tungkol sa kanya at sa tatay nya. putya, everytime na makakaharpa ko to, may latest story sya tungkol kanilang mag-ama. sana maiisip nya na may mga bagay na dapat dapat kinikimkim lang sa sarili.

Mako (Healthy living) - sabi nila kamukha daw ni bruce lee hehe. sabi nya noon, healthy living na raw sya. tapos yun, di naka tiis. one of the saraos tlga.

BL - si agripa, kabatak ko sa yosi. isa sa mga close classmates ko. bukod sa di mabilang kakulitang pinag saluhan namin, sya rin ang dahilan kung bakit hanggang ngayun, wala akong ID.

Ryan (Mayonnaise) - di ko pa alam kung bakit mayonnaise tawag sa kanya, siguro dahil kamukha nya si Monty Macalino. yung vocalist ng Mayonnaise. haha

Benz/Bhenz - isa sa mga classmate ko na akala ko hindi ko makakasundo. pero madali rin lang pala pakisamahan.

Joseph (cheerful) - ang House Emo.

Macj (David Blaine) - yun tlga ang tawag ko sa kanya. marami akong natututunan sa kanya eh. mga magic na may gasgas. pero pinaka favorite ko eh yung pag hawak ng apoy.

Vince - kilala ko na to bago pa kami naging magkaklase dahil marami kaming family connections, pero parang hindi lang.

Marge (Ems) - alam kong masyadong liberated ang blog ngayun. mahirap na. kaya shut-up nlang ako.

Levi - idol ko to sa english accent nya. kapag nakikita ko sya, na te-temp ako mag pa dreadlocks.

Riz - Una kong naging close sa girls. pero hindi naging pinaka ka close.

Don - laging absent pero present sa inuman.

humm... sino pa ba?

ay si jani pa pala. haha

Jani (Baby Boy) - laging binibigyan ng buhay ang klase namin sa FIL. partners sila ng prof. di ko alam kung tlgang mahina sya pumick-up oh sinasadya nya lang.

uy.. muntik ko makalimutan, ang pinaka maingay sa amin :

Krizia (Baby Silent) - hindi sya nakiki hits ng yosi or sumasama sa inuman. pero isa sya sa mga naging close ko. ang piiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiinaka tahimik. at meron din pala akong nakuhang achievements sa kanya. ako lang kasi ang naging dahilan kung bakit sya nag mura. nyahaha

yan. syempre kasama ako. kung hindi mo nabasa ang sarili mo sa nag susumigaw na list na ito, ibig sabihin, one of them ka.

ang grupong yan (hindi lahat, pero almost all) ay lagi mong makikita na naka tambay sa RK. o kaya naman, sa harap ng mga burger stand sa likod ng 7-eleven. pero kung hindi mo parin sila makita, isa-isa hin mo nalang ang mga bar sa Sampaloc.

7/30/09

RK

High Class Profiles of Most Wanted Criminals
(a.k.a mga classmates ko)

EDIT NOTE : plano ko tlagang isa-isahin ang review sa bawat classmate ko, pero na realize ko na wag nlang kasi.. ano. kaya hindi ko muna ito itutloy, mag rereaserch muna ako :)

siguro pag katapos na ng mga susunod na "tagay session" namin, hahanapan ko muna sila ng maliit na butas na pwede kong palakihin sa pesteng blog na ito.

anyways, dahil tapos ko na yung kay ENA, hindi ko na buburahin :

ENA-MO
Real Name : Ena Ladera
Full Name : yun din, pero may lourdess.

si ena. one of my closest classmates. hindi nya talga gusto maging close ang isang tulad ko, or maybe, gusto nya talaga.. nag click lang kami agad nung first.. ay hindi, second week na kaming mag kakaklase this sem. kumain kami sa mcdo (♥ ko to). nag ka kwentuhan, tapos nasundan pa sa canteen ng tech bldg. dun ko nalaman na pareho lang pala ang tinatahak naming daan pauwi - pag friday. mula noon, sabay na kaming umuwi twing friday. pero 1 and half palang na nang yayari ito. mas gusto kong ikwento ang mga pang yayaring eto kesa sa masaklap na pangungurot nya sa braso ko (may hidden something tlga sya sakin!)

una eh muntik na kaming mag umpisa ng isang malawakang kilos protesta sa quiapo dahil 4 pm palang, nandun na kami at nag aabang ng masasakyan. 8 na, nandun pa rin kami. nakita nalang namin ang aming sarili na nakaupo sa isang sidewalk na malapit sa imbornal, at sumasabay sa mga awitin ni Michael Jackson. siguro, 8 pm na kami nakasakay, at hindi pa kami makakasakay, kung hindi namin tinakbo ang overpass para habulin ang isang bus. nakasakay na nga kami, hindi naman namin alam kung aabutin pa ba kami don ng 3 oras para makaalis ang bus sa kinatatayuan nyo oh mag aambon ng kabaitan ang diyos at gagawin nya nalang 2 at kalahating oras. marami kaming napag kwentuhan sa bus. mga bagay na tinitira lang ng mga adik para may magawa sa mga oras na wala silang magawa. nakauwi naman kami, mag aalas-12 na.

yung second time, nag taxi kami, hehe, pero sagot nya, kasi plano nya yun. sa sobrang lakas ng ulan, at dahil sa traffic (hindi namin alam kung dahilan lang ba nung driver ang traffic para pataasin ang metro), kung anu-ano nanaman ang mga pinag tiisan naming pag-usapan. mga hates sa classroom, mga crush (sya lang ang nag sabi!!), mga karanasan sa lugar namin (caloocan) at mga paraan kung pano kami mag babayad sa taxi kung sakaling bababa nalang kami at sasakay ng ibang pampasaherong sasakyan.

gusto mo malaman kung sino crush nya? hindi nya na crush ang taong to ngayun, kasi hindi na daw sya nakakaramdam ng kilig. at ayaw kong pangalanan sa blog na ito dahil siguradong sesemplang nanaman ako the next day after nya basa ang post ko na ito.

7/26/09

ErtQweyK

PrelimZ na!!!!

pakiramdam ko, babagsak ako sa lahat ng test. ewan ko kung bakit, pero hindi pinapasok ng positive things ang utak ko dis days..

last week, parang gusto ko na sumuko, ulit.

gusto ko nang i drop lahat ng subjects ko.. dahil umabsent ako ng isang araw, pakiramdam ko ang dami kong na miss...

hindi nman ako mahilig mag aral, ayaw ko ngang gumising ng maaga para lang ngumiti sa mga teachers eh.

pero nung araw na umabsent ako, para talagang nawalan nanaman ako ng chance na maiayos ang buhay kong malapit ng gumuho..

marami nang nakakaalam ng estado ko ngayon sa kolehiyo life ko, kaya hindi ko na muna i kukwento. hindi kasi pwedeng kumalat, dahil baka maging dahilan pa ng maaga kong pag talon sa espanya tower.

una, yung ID ko, hindi ko parin nakukuha, pangalawa yung UNIFORM.. ay nakuha ko na pala.. pangatlo, yung BUHOK ko.. aaaaaaaa!! sawa na ako sa kulay ng buhok ko.. pero di naman ako makabili ng new dye, kasi gabi na ako umuuwi, tapos eto pa.. may bago. NSTP.

hays, masarap talga kapag kainuman mo ang mga close classmates mo. kahit sabihin hindi ko naman sila close friends, close classmates naman. haha. nawawala ang lahat ng problema ko. ang natitirang problema nlanag, eh kung sino ang aakay sakin at sasabsay sa pag uwi.

:( sana matapos na ang lahat ng problems ko. pag medyo gumaan ang kolehiyo life ko, mag papaka aral na tlga ako!!