Sug0 ni b0b 0ng

Pipol Of the Phileeepens vs. Z : caze numbuh 1414141414141414

GuiltEE bey0ynd unreasonable doubt sa salang pag papacute sa lo0b ng simbahan at sinisentensyahang hindi na makakaharap pa sa salamin na katumbas ng dalawang pang habam-buhay na pagiging diyos.

7/30/09

RK

High Class Profiles of Most Wanted Criminals
(a.k.a mga classmates ko)

EDIT NOTE : plano ko tlagang isa-isahin ang review sa bawat classmate ko, pero na realize ko na wag nlang kasi.. ano. kaya hindi ko muna ito itutloy, mag rereaserch muna ako :)

siguro pag katapos na ng mga susunod na "tagay session" namin, hahanapan ko muna sila ng maliit na butas na pwede kong palakihin sa pesteng blog na ito.

anyways, dahil tapos ko na yung kay ENA, hindi ko na buburahin :

ENA-MO
Real Name : Ena Ladera
Full Name : yun din, pero may lourdess.

si ena. one of my closest classmates. hindi nya talga gusto maging close ang isang tulad ko, or maybe, gusto nya talaga.. nag click lang kami agad nung first.. ay hindi, second week na kaming mag kakaklase this sem. kumain kami sa mcdo (♥ ko to). nag ka kwentuhan, tapos nasundan pa sa canteen ng tech bldg. dun ko nalaman na pareho lang pala ang tinatahak naming daan pauwi - pag friday. mula noon, sabay na kaming umuwi twing friday. pero 1 and half palang na nang yayari ito. mas gusto kong ikwento ang mga pang yayaring eto kesa sa masaklap na pangungurot nya sa braso ko (may hidden something tlga sya sakin!)

una eh muntik na kaming mag umpisa ng isang malawakang kilos protesta sa quiapo dahil 4 pm palang, nandun na kami at nag aabang ng masasakyan. 8 na, nandun pa rin kami. nakita nalang namin ang aming sarili na nakaupo sa isang sidewalk na malapit sa imbornal, at sumasabay sa mga awitin ni Michael Jackson. siguro, 8 pm na kami nakasakay, at hindi pa kami makakasakay, kung hindi namin tinakbo ang overpass para habulin ang isang bus. nakasakay na nga kami, hindi naman namin alam kung aabutin pa ba kami don ng 3 oras para makaalis ang bus sa kinatatayuan nyo oh mag aambon ng kabaitan ang diyos at gagawin nya nalang 2 at kalahating oras. marami kaming napag kwentuhan sa bus. mga bagay na tinitira lang ng mga adik para may magawa sa mga oras na wala silang magawa. nakauwi naman kami, mag aalas-12 na.

yung second time, nag taxi kami, hehe, pero sagot nya, kasi plano nya yun. sa sobrang lakas ng ulan, at dahil sa traffic (hindi namin alam kung dahilan lang ba nung driver ang traffic para pataasin ang metro), kung anu-ano nanaman ang mga pinag tiisan naming pag-usapan. mga hates sa classroom, mga crush (sya lang ang nag sabi!!), mga karanasan sa lugar namin (caloocan) at mga paraan kung pano kami mag babayad sa taxi kung sakaling bababa nalang kami at sasakay ng ibang pampasaherong sasakyan.

gusto mo malaman kung sino crush nya? hindi nya na crush ang taong to ngayun, kasi hindi na daw sya nakakaramdam ng kilig. at ayaw kong pangalanan sa blog na ito dahil siguradong sesemplang nanaman ako the next day after nya basa ang post ko na ito.

7/26/09

ErtQweyK

PrelimZ na!!!!

pakiramdam ko, babagsak ako sa lahat ng test. ewan ko kung bakit, pero hindi pinapasok ng positive things ang utak ko dis days..

last week, parang gusto ko na sumuko, ulit.

gusto ko nang i drop lahat ng subjects ko.. dahil umabsent ako ng isang araw, pakiramdam ko ang dami kong na miss...

hindi nman ako mahilig mag aral, ayaw ko ngang gumising ng maaga para lang ngumiti sa mga teachers eh.

pero nung araw na umabsent ako, para talagang nawalan nanaman ako ng chance na maiayos ang buhay kong malapit ng gumuho..

marami nang nakakaalam ng estado ko ngayon sa kolehiyo life ko, kaya hindi ko na muna i kukwento. hindi kasi pwedeng kumalat, dahil baka maging dahilan pa ng maaga kong pag talon sa espanya tower.

una, yung ID ko, hindi ko parin nakukuha, pangalawa yung UNIFORM.. ay nakuha ko na pala.. pangatlo, yung BUHOK ko.. aaaaaaaa!! sawa na ako sa kulay ng buhok ko.. pero di naman ako makabili ng new dye, kasi gabi na ako umuuwi, tapos eto pa.. may bago. NSTP.

hays, masarap talga kapag kainuman mo ang mga close classmates mo. kahit sabihin hindi ko naman sila close friends, close classmates naman. haha. nawawala ang lahat ng problema ko. ang natitirang problema nlanag, eh kung sino ang aakay sakin at sasabsay sa pag uwi.

:( sana matapos na ang lahat ng problems ko. pag medyo gumaan ang kolehiyo life ko, mag papaka aral na tlga ako!!

7/18/09

bebe silent

mga bagay na ngyari sakin last thursday.

mga bagay na inenjoy ko, at mga bagay na muntik ng maging dahilan ng pag talon ko mula sa taas ng espania tower..

UMAGA...

medyo maganda pa ang mood ko, 2:00am ako nagising, mga 4 ako umalis ng bahay.. medyo malamig..

5:30, may konting liwanag na mula sa kalangitan, pero hindi mo mapapansin ang araw. or, pwede ring sabihin na walang araw.. pero hindi mo aasahang uulan... ng malakas.

mag aalsa-sais na, naka sakay ako sa FX, ng nag papansin ang malakas na ulan. syempre, wala akong care dahil tantya kong 7:30 na ako makakarating sa morayta, at sa mga oras na yon, tahimik na ulit ang panahon... at alam kong pinilit ko lang ang sarili ko na papaniwalain ang utak ko na wala na ngang ulan sa oras na yon, sa kadahilanang wala sa fashion statement ko ang pagdadala ng payong.

syempre, naghihingalo parin ang langit ng dumating ako sa school.. buti nalang hindi ako sinita ng guard ng derederetsyo akong pumasok sa lobby ng tech bldng, dahil hindi nanaman ako naka uniform.

nakapila na ako sa elevator ng ikagulat ko ang pag palo sa akin ni mara sa balikat.
(si mara ay isang special hybrid na kalahating babae, kalahating bakla)

sabay na sana kami sa leveator, kaso ng papasok na ako, biglang tyempo ng mabilis na pag sara ang elevator, syempre ipit ako. walang halong biro.

buti nalang na pindot nung studyante sa loob yung "open".. na pa atras ako konti, sabay tapak sa hinlalaki ni mara....

mga 11, vacant time ng halos kalahati sa mga ka blockmates ko.. malungkot parin ang langit.. emo na yata.. sa second floor kami ng tech bldng nag tanghalian..mahigit 30 mins. na kaming nakatayo, wala paring umaalis sa mga nag extend ng pagtambay sa canteen.. habang kumakain kami, humirit na si mara ng mga kalokohan nya tungkol sa mga kinakain namin, at tungkol din sa mga bagay na hindi dapat sinasabi kung gusto mong enjoyin ang iyong pagkain.

laugh trip.

nag tuloy tuloy na ang enjoyment ko nung araw na yun.. kaso, bago paman matapos anga raw, bumnagsak ng 10 floor ang mood ko.

nahuli akong tumatakbo sa lobby ng isang teacher, kaya kinumpiska ang ID ko..


pano ngayon ako papasok sa monday T_T

wala na nga akong uniform, wala pang ID... huhuhuhu

hindi na ba tlga magbabago ang pagiging pasaway ko? ni hindi pa ako nakaka isang buwan this sem, may record na kagad ako? pisting yawa!!

7/4/09

bil0g

:) Kolehiyo

etong fine arts ang second course ko, pero first choice ko talaga. pero pwede ring second. pero first talaga, pero kung second, hindi na first kaya pukpukin mo nalang ako ng bato sa ulo kapag nahilo ka na.

masaya ang buhay kolehiyo. may freedom. dahil sa stage na ito kadalasang magiging 18 ang isang tao, nagiging legal na sya sa lahat ng bagay. mga bagay na hindi mo magagawa sa high school. legal ka nang uminom ng parang walang katapusan, manigarilyo ng parang walang katapusan, at sumayaw ng "careless whisper" ng parang walang katapusan.

masaya. yan lang ang "magandang" word na kaya kong idescribe pag sinabi mong "college"
isang word lang. pero kung hindi gaanong magandang word, baka dekada ang gugulin mo sa pag basa ng post na ito.

sa akin, masaya kasi, may kalayuan sa tinitirahan ko ang university na pinapasukan ko(FEU). hindi ako nag do-dorm. uwian. mula bagong silang (caloocan) hanggang sampaloc. dati nung sa UE pa ako, nakiki hit ako sa bahay ng pinsan ko, na sa UE rin nag aaral. pero hindi nag tagal, kasi baka makulong ako habang binuburol sya pag nag tagal pa ako dun. hindi kami mag kasundo.

"masaya" kung ituring ko ang araw-araw kong uwian. haha, alas-tres palang ng umaga kailangan gising kana, para makaalis ka ng 5:30. dalawang oras kasi ang biyahe ko, dahil 7:30 ang unang subject. 4 times a week. dalawang oras na "masayang" jamming sa traffic at depende naman kung ilang oras ang biyahe ko pauwi sa hapon.

ayaw ko na kasing maki tira sa bahay ng mga kamag anak ko, na malapit sa school. parang sinasadya talaga ng panahon dahil nag kalat ang mga kamag anak ko malapit sa school. haha. lalong ayaw kong mag dorm, isa sa mga few things na kinatatakutan ko eh yung matulog sa lugar na wala akong kakilala. bukod sa bus :)

feeling ko, mas mahihirapan pa ako pag nag dorm ako, kasi araw-araw akong papasok sa school. sino ang mag babantay sa mga gamit ko? hindi kasi ako ganun kadali mag bigay ng tiwala.

kaya naman gusto kong mag uwian, dahil marami akong gustong ma experience habang nasa biyahe. gaya ng.. yung tipong habang naka sakay ako sa bus, eh biglang may papasok at mag aamok, mamamaril at hahagisan kami ng bomba.. hindi ako nag bibiro. gusto ko talaga maka ranas nun, or kahit yung holdap lang. lagi kong iniisip kung anu ang pakiramdam ng ganun. hehe.

bukod sa mahabang biyahe, isa sa mga naeenjoy ko sa college eh yung non-stop smoking. joke ng isa sa mga classmate ko, baka daw may tatoo kami na "sarao" sa likod.

dahil malamig sa classrooms namin, kailangan ko pang hilahin ang isa sa mga classmates kong "healthy living" para samahan ako sa labas para manigarilyo.. pam-painit ng katawan.

hindi naman ako lasinggero, pero umiinom ako pag may okasyon. yan lang. hindi ako umiinom ng alkohol pag may problema. gaya ng sinasabi at ginagawa ng iba. enjoyable din ang pag ba-bar minsan. pero hindi mo na ma eenjoy kapag isa sa mga kasama mo eh tulad ng isa sa mga classmate ko. laging negative. kaya kapag may session kami gaya ng ganito, uunahin namin syang malasing, para antukin at makatulog kagad bago kami bumanat.

college. marami kang matututunan bukod sa mga bagay na dapat mong matutunan sa mga subjects mo.

pwedeng matuto kang mag bisyo, pwede ring may matutunan kang maipag mamalaki mo dahil binuo nito ang buhay mo. pero mabuti man o masama ang bagay na yon, ayaw mo man o gusto, minsan kailangan mo paring subukan.

dahil para sakin, kailangan magawa ko ang lahat ng bagay na pwede kong gawin.(bukod sa mag drugs) dahil sabi nga ng pinsan ko dati (na pinilit akong subukan yung pamatay na slide sa isang pool resort), hindi makukumpleto ang buhay at pag katao mo, kung hindi mo gagawin ang bagay na kaharap mo na ang mga paraan.

7/1/09

NaRDa

bakit kaya may mga taong feeling diyos!?

yun bang tip0ng.. hindi naman kagandahan, o wala namang itsura, pero kung maka asta, akala mo binili nya na ang buo mong pagkatao... fetus ka palang.

dalawang uri ng ganitong buni ang pinaka kinaayawan ko eh. yung isa, eh hihingi nalang ng pabor, oh meron gustong i patulong, eh sa bastos na pamamaraan pa. yun bang meron kang ginagawa, tapos lalapit sayo para humingi ng tulong, tapos i pipilit nya na unahin sya, kahit nakikita nya naman na busy ka.

pag merong nang-gaganyan sakin, isinusumpa ko talaga na sa susunod na generasyon ng pamilya nya, lahat sila magiging malnorish.

yung ika-'lawa naman eh yung pipilitin kang gawin ang gusto nya, tapos pag pinag bigyan mo, eh lalaki ang ulo, at uutos-utusan ka na ng parang wala ng bukas.

yan yung dalawang klase ng tae na sana ininda nalang ang sakit ng tiyan at iniinom ng diatabs para hindi na lumabas.

nakakainis! gustong gusto ko na syang murahin, kaso ayaw kong bumaba sa level nya, at baka mag mukha pa ak0ng walang briiiding. pag nag karoon ako ng tyempo, reresbakan ko talaga tong hinayupak na ito eh. talagang hindi ko sya titigilan hanggat hindi sya namumulat sa katotohanang mas may papel pa ako sa mundong ito, kesa sa kanya!

kaya kung feeling m0 eh ikaw to, mag iingat ka!